Libreng toll fee sa mga maghahatid ng ayuda sa mga biktima ng pag-putok ng bulkan, hiniling ng commuters group sa SLEX at CAVITEX

Umapela ang lawyer’s for Commuters Safety and Protection na gawin na munang libre pansamantala ang pagdaan sa South Luzon Expressway o SLEX at Manila–Cavite Expressway o CAVITEX.

Ayon kay LCSP President Atty. Ariel inton, wala pang katiyakan kung kailan matatapos ang pag-aalburuto ng bulkan kayat matatagalan pa ang pagtungo ng maraming gustong tumulong at maghatid ng relief goods sa calamity area.

Nitong weekend ay nag-dulot ng matinding trapik ang pila ng mga trak at iba pang mga sasakyan na dumaraan sa slex at cavitex.


Giit ng LCSP, kung exempted sa toll fee ay mas marami pang maeengganyong tumulong bukod pa sa mapapabilis ang usad ng mga sasakyan kumpara sa ilang minutong itatagal para sa pagbabayad sa kada toll gate na dadaanan.

Facebook Comments