LIBRENG TUBERCULOSIS SCREENING, UMARANGKADA SA LA UNION

Umarangkada ang libreng serbisyo medikal sa mga residente sa Naguilian, La Union bilang hakbang sa paglaban sa sakit na tuberculosis na kabilang sa mga nangungunang nakakahawang sakit sa bansa.

Bahagi ang aktibidad ng malawakang kampanya sa buong bansa upang makaiwas, masuri at magamot ang sakit na TB.

Nagsagawa ng libreng screening, sputum testing, chest x-ray at consultation sa mga residente upang mahanap at magamot ang aktibong kaso ng sakit.

Ayon sa Department of Health Region 1, walang dapat ikahiya sa sakit na TB dahil ito ay nagagamot sa pamamagitan ng maagang pagpapasuri.

Hinimok ng tanggapan ang mga lokal na opisyal na mas pataasin pa ang kamalayan at mga aksyon na ipinapatupad sa mga komunidad upang malabanan ang tuberculosis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments