Manila, Philippines – Magsisimula na sa darating na pasukan ang libreng matrikula ng kursong medisina sa State Universities and Colleges o SUC sa buong Pilipinas.
Naglaan ang Commission on Higher Education (CHED) 8.3 billion pesos para sa isang milyong estudyante ng suc habang 317 million naman para sa walong SUC na may kursong medisina.
Ayon kay CHED Commissioner, Prospero De Vera – bilang kapalit, sasailalim ang mag-aaral sa tinawag nilang return service agreement o paglilingkod sa bayan.
Sa kabilang banda, kung hindi man tumupad sa usapan ang mga magulang at estudyante, kailangan nilang bayaran ang lahat ng nagatsos sa kanilang pag-aaral gamit ang nasabing programa.
Sinabi pa ni De Vera – inabisuhan na nila ang mga paaralan sa bansa na tanggapin ang mga estudyante mula Marawi na gustong lumipat.
Samantala, ang mga kolehiyo na biktima ng bagyong Yolanda ay makakatanggap ng 5,000 pesos na ayuda mula sa pamahalaan.