LIBRENG TULI, ISINAGAWA SA BAYAN NG TUMAUINI

CAUAYAN CITY- Naging matagumpay ang isinagawang “Operation Libreng Tuli” ng Lokal na Pamahalaan ng Tumauini.

Ang programang ito ay proyekto ng Committee on Health na pinangunahan nina Mayor Venus Bautista at Sangguniang Bayan Sharina Medrano.

Isinagawa naman ito sa Tumauini Community Hospital katuwang ang mga doktor, nurses at Rural Health Unit ng nasabing bayan.


Layunin ng programa na tulungan ang mga batang nag bakasyon mula sa paaralan na mabigyan ng libreng serbisyo pangkalusugan.

Samantala, simula ng ilunsad ang nasabing programa ay libu-libong kalalakihan ang nabenipisyuhan ng libreng tuli.

Facebook Comments