Isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang libreng ultrasound para sa mga buntis na nagsimula kahapon, Disyembre 15 hanggang 17, sa Dagupan City Health Office Diagnostic Center.
Ayon sa pamahalaang lungsod, layon ng programa na matulungan ang mga ina na masubaybayan ang kalagayan ng kanilang dinadalang sanggol, lalo na ngayong papalapit ang Kapaskuhan.
Bahagi ito ng patuloy na pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan para sa mga ina at kanilang mga sanggol sa lungsod.
Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang mga buntis na samantalahin ang libreng serbisyong ito at magtungo sa nasabing pasilidad sa mga itinakdang araw.
Facebook Comments









