Libreng Wi-Fi, mararamdaman na sa buong bansa – pero publiko, pinag-iingat sa virus na maaaring kumapit sa cellphone ng mga user

Manila, Philippines – Pirmado na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isa sa mga ipinangako niya sa kanyang unang State of the Nation Address.

Ito ay ang mapabilis ang pagpapatupad ng libreng wifi sa bansa, kung saan target nitong makapagbigay ng hanggang 10 mbps sa mga subscriber sa 2020 lalo na sa mga probinsyang hindi maka-access sa internet.

Sabi ni Dept. of Information and Communications Technology Asec. Allan Cabanlong, patikim pa lang ang libreng Wi-Fi sa edsa na may 100 megabyte data cap.


Kasabay nito, tiniyak ni Cabanlong na hindi basta-basta maha-hack ang impormasyon ng user ng free Wi-Fi.

Ayon naman kay DICT Sec. Rodolfo Salalima, kailangan ding doblehin ang pag-iingat ng mga subscriber lalo na at may mga kumakalat na virus sa pamamagitan ng internet.

Sinabi naman ni global research and analysis team ng Kaspersky Lab Director Vitaly Kamluk, kapag mas mura — mas madaling ma-hack o makuha ang personal na impormasyon ng user.

Ito anila ang dahilan kung bakit ika-walo ang Pilipinas sa listahan ng biktima ng mobile attacks.

Kaya paalala ni kamluk sa publiko, huwag buksan ang mga link na ipinapadala ng mga hindi nila kilalang tao o yung mga file na kahina-hinala.

Facebook Comments