Libreng Wi-Fi project ng pamahalaan, may security measures laban sa mga iligal na aktibidad

Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na may nakalatag na security measures ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang hindi magagamit sa iligal na gawain ang libreng Wi-Fi program ng gobyerno.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy na maglalagay sila ng mga device at mga sensor na nag-ii-scan sa dark web at surface web.

Sa ganitong paraan ay malalaman kung may mga datos na na-hack at ibinebenta sa publiko o kung may child pornography na nagmumula sa bansa, na agad aniyang ipagbibigay-alam sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).


Aminado naman si Dy na hindi tuluyang mawawala ang mga panganib, ngunit kailangan aniyang maglagay ng tamang mga kontrol para mabawasan ito.

Facebook Comments