Target makapaglagay ng Department of Information and Communication Technology (DICT) nang mahusay na internet access sa publiko lalo na sa government sites bago matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Sa pre SONA briefing, sinabi ni DICT Secretary John Ivan Uy, ito ay sa ilalim ng National Broadband Network na nagsisilbi aniyang internet backbone ng gobyerno.
Nagsimula na aniya ito mula Laoag hanggang Quezon City nitong Abril.
Ibig sabihin lahat ng ahensiya ng gobyerno, pampublikong eskwelahan, public health facilities, town plazas ay magkakaroon na ng libreng WiFi program.
Nasa ikalawa hanggang ikatlong yugto na aniya ang DICT sa mga proyekto sa Luzon kasama ang Bicol Region gayundin sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Facebook Comments