Libreng WiFi, tawag, at mobile charging, inilunsad ni Mayor Isko

Image via Manila Public Information Office

Opisyal nang binuksan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa publiko ang paggamit ng libreng internet, charging station, at telephone booth sa Andres Bonifacio monument nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Moreno, kayang serbisyuhan ng mga WiFI kiosk ang 100 katao kada araw ng sabay-sabay.

Sa ilalim ng bagong proyekto, bawat tao ay maaring kumonekta sa loob ng 30 minuto. Kapag natapos na ang ibinigay na oras, awtomatiko itong madi-disconnect sa system upang magamit ng iba pang sibilyan.


Pahayag ng alkalde, malaking tulong ang mga kiosk sa mga taong walang load o mobile data lalo na at pumapalo ang WIFI speed ng 80 mbps.

Naging matagumpay rin ang pagsasapubliko ng programa dahil sa tulong na ibinigay ng Eastern Communications.

Sa ngayon, maituturing umano na pangunahing pangangailangan ng mga Pinoy ang internet connection at alternatibong komunikasyon.

Kung sakaling maging tagumpay ang naturang proyekto, maglalagay pa ng karagdagang 50 kiosks sa iba pang pampublikong lugar sa Maynila.

Facebook Comments