Tinaguriang ‘Fitness Friday’ ang bawat biyernes sa kada linggo sa Sta. Barbara kasunod ng inilunsad na libreng Zumba session ng Rural Health Unit.
Layunin na maisulong ang pagkakaroon ng active lifestyle sa mga mamamayan bilang isang hakbang upang mapangalagaan ang puso.
Bukas sa lahat ng edad at kasarian ang Zumba session tuwing Biyernes mula alas kwatro ng hapon hanggang alas singko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









