BEYOND PEACE TABLES: REFLECTIONS ON THE GPH-MILF PEACE PROCESS, ang pamagat ng aklat na inilunsad sa Camp Darapanan sa bayan ng Sultan Kudarat sa probinsya ng Maguindanao.
Nilimbag ng yumaong GPH-MILF Third Party facilitator DATO TENGKU ABDUL GHAFAR.
Ang libro ay sulyap kung paano umusad ang peace process sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na naging daan sa pagkakalagda ng dalawang political documents, ang Framework Agreement on the Bangsamoro o FAB at Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), partikular mula sa perspektibo ng isang third-Party Facilitator.
Si Ghafar ay sumakabilang buhay noong September 2, 2016 dahil sa karamdaman.
Sa kanyang talumpati sa naturang okasyon, kinilala at pinuri ni MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim ang mga pagsisikap at major contributions ng may akda ng libro sa GPH-MILF Peace Process.
Dumalo sa okasyon sina former OPAPP Sec. Teresita Deles, Mohagher Iqbal, Chairperson of MILF Peace Implementing Panel, Prof. Miriam Ferrer-Coronel, former Chairperson ng GPH Negotiating Peace Panel at iba pa. (DAISY MANGOD-REMOGAT)
Libro na isinulat ng yumaong GPH-MILF 3rd party facilitator, inilunsad!
Facebook Comments