Libu-libong Astrazeneca Vaccine, Dumating na sa Lambak ng Cagayan

Cauayan City, Isabela- Dumating na ang second batch ng SINOVAC vaccine na 10,640 doses matapos lumapag ang eroplano sakay nito sa Tuguegarao City Airport ngayong araw.

Ang nasabing bilang ng bakuna ay idadagdag sa mga health workers sa iba’t ibang ospital sa rehiyon na kinabibilangan ng Cagayan Valley Medical Center, Southern Isabela Medical Center, Region 2 Trauma and Medical Center, Tuguegarao City People’s General Hospital, PNP Hospital; at DOH-Batanes General Hospital.

Samantala, kasabay ng pagdating ng SINOVAC ay dumating na rin ang 10,720 na Astrazeneca vaccine na ilalaan naman sa mga senior citizen health workers sa buong rehiyon partikular sa Top 6 Hospitals.


Una nang nasimulan ang vaccine roll-out sa ilang hospital sa rehiyon gamit ang SINOVAC vaccine na donasyon ng bansang China sa Pilipinas.

Samantala, ang isang vaccine-vials ng Astrazeneca ay kayang makapag-accommodate ng 10 doses na maituturok sa tao kumpara sa SINOVAC vaccine na isa lamang ang bawat vials.

Inaasahan namang may mga darating pang bakuna na laan sa buong lambak ng Cagayan.

Facebook Comments