Libu-libong bakanteng trabaho sa DepEd at DOH, asahan sa susunod na taon

Manila, Philippines – Magandang oportunidad ang naghihintay sa mga naghahanap ng trabaho lalo na sa hanay ng edukasyon at kalusugan.

Ito ay dahil libu-libong trabaho ang bubuksan sa Department of Education at Department of Health.

Ayon kay House Deputy Majority Leader Gerald Anthony Gullas Jr., nasa 105,000 na trabaho ang mabubuksan sa DOH at DepEd.


Sa ilalim ng 2018 budget, ang DOH ay may 9.7 billion na alokasyon para kumuha ng, mahigit 2,000 na nurses, mahigit 3 libong midwife, halos limang daang doktor at mahigit tatlong daang dentista.

Nasa mahigit 81,000 naman na bakanteng teaching position ang pupunuan ng DepEd.

Karamihan sa mga ito ay itatalaga sa mga malalayong probinsya.

Dagdag ng mambabatas, sakto ang mga oportunidad na ito sa trabaho sa DepEd at DOH dahil ang bansa ay nakapag produce ng daang libong mga bagong nurses at mga guro sa nakalipas na labing dalawang buwan.

Facebook Comments