Libu-libong deboto, nakibahagi sa Misa Mayor sa Quirino Grandstand

Nakibahagi sa Misa Mayor sa Quirino Grandstand ang Libu-libong deboto para pa rin sa Pista ng Poong Itim na Nazareno ngayong araw.

Sa datos ng Quiapo Church command post, umabot na sa 175,000 ang nakiisa sa tradisyunal na ‘Pahalik’ as of 1AM kanina.

Umabot naman sa 7,000 ang nagtungo sa Quiapo.


Samantala, nanawagan naman si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga deboto na gawin ang Traslacion bilang taimtim, marubdob at may pagmamahal at hindi lamang sa mga kahilingan.

Patuloy naman ang paalala ng awtoridad na sumunod sa mga dapat gawin at huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na bagay.

Facebook Comments