Home Dagupan IFM 104.7 Dagupan LIBU-LIBONG DEBOTO, NAKILAHOK SA ALAY-LAKAD AT VISITA IGLESIA SA MANAOAG

LIBU-LIBONG DEBOTO, NAKILAHOK SA ALAY-LAKAD AT VISITA IGLESIA SA MANAOAG

0
LIBU-LIBONG DEBOTO, NAKILAHOK SA ALAY-LAKAD AT VISITA IGLESIA SA MANAOAG

Libu-libong deboto ang nakiisa sa tradisyunal na alay-lakad at visita iglesia sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag.

 

Ayon sa lokal na pamahalaan, tinatayang umabot sa 700,000 hanggang 800,000 deboto ang dumagsa sa Manaoag sa kasagsagan ng Semana Santa, kabilang ang mga nag-alay lakad mula sa iba’t ibang lugar noong gabi ng Huwebes Santo, Abril 2, 2026.

 

Isa sa naging ruta ng mga mananampalataya ang kahabaan ng AB Fernandez East hanggang Tambac Road sa Dagupan City, na kanilang nilakad patungo sa simbahan.

 

Bantay-sarado ang mga pulis, traffic enforcers, at mga volunteer group na nakapwesto sa mga pangunahing lansangan na tiniyak ang seguridad ng mga naglalakad at mga motorista.

 

Kaugnay nito, ipinatupad ng lokal na pamahalaan ang pansamantalang truck ban at traffic rerouting mula Abril 1 hanggang 5, kung saan hindi pinayagang makadaan sa mga pangunahing kalsada ang mga malalaking trak, kabilang ang mga 10-wheeler pataas. Itinalaga ang mga alternatibong ruta upang maiwasan ang abala sa mga deboto ang nakilahok sa Alay-Lakad at Visita Iglesia. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments