Libu-libong Filipino Hajj pilgrims, magsisumula nang bumalik ng Pilipinas mula bukas

Simula bukas ay dadagsa na sa bansa ang libu-libong Filipino pilgrims na lumahok sa pilgrimage sa Saudi Arabia.

Sunod-sunod na flights ng Oman Air, Kuwait Airlines at Saudia Airlines ang dadating sa bansa mula Saudi Arabia simula bukas, July 5 hanggang sa Linggo, July 9.

Patuloy naman na inaalalayan ng mga staff ng National Commission on Muslim Filipinos ang pilgrims sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.


Ilan sa kanila ay isinasailalim din sa pagsusuri ng medical teams ng komisyon na nasa Saudi Arabia.

Una nang isinugod sa ospital ang ilang Pinoy pilgrims makaraang sumama ang kanilang pakiramdam dahil sa sobrang init sa Makkah habang sila ay sumasailalim sa banal na gawain doon.

Facebook Comments