LIBU-LIBONG FINGERLINGS MULA SA BFAR, IPINAMAHAGI SA MGA MANGINGISDA SA LUNGSOD NG DAGUPAN

Matagumpay na ipinamahagi sa mga residenteng mangingisda sa Lungsod ng Dagupan ang nasa libu-libong fingerlings mula sa Department of Fisheries and Aquatic Resources.
Sa pamamagitan ng Lokal na pamahalaan ng Dagupan, naipamahagi ang nasa kabuuang 2, 700 na bangus fingerlings para sa 5 floating cages sa mga maliliit sumisigay o mga residenteng mangingisda sa lungsod bilang parte ng livelihood assistance ng LGU sa mga benepisyaryo.
Layunin ng pamamahagi na ito sa mga benepisyaryo ay upang matulungan ang mga maliliit na sumisigay o mangingisda sa kanilang paghahanapbuhay sa pamamagitan ng libreng fingerlings na ito na mula sa ahensya.

Bukod sa mga fingerlings ay ipinamahagi rin ang limang (5) units ng collapsible fish cages at feeds na una na naiturn-over sa 25 pamilyang mangingisda sa lungsod.
Tuloy umano na gagawa ng paraan ang kasalukuyang administrasyon para matulungan ang mga indibidwal na naghahanapbuhay upang mapalakas ang kanilang mga kita sa kabila ng pagtaas ng mga bilihin. |ifmnews
Facebook Comments