Libu-libong halaga ng Iligal na Droga, Nasamsam sa Cagayan

19

Cauayan City, Isabela- Tinatayang nasa P212,000 ang halaga ng nakumpiskang pakete-paketeng iligal na droga sa isang suspek matapos ang ikinasang buy-bust operation dakong alas-11:00 ng umaga kahapon sa Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si alyas Miling, 36-anyos, walang asawa, kabilang sa listahan ng Street Level Individual at residente ng Barangay Centro 11, Tug. City, Cagayan.


Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang nasa 106 na piraso ng pakete ng shabu, cellphone, timbangan, personal na gamit at buy-bust money.

Ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PIU/PDEU, CPPO, RDEU at TCPS kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2.

Sa ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa pangangalaga ng mga otoridad.

Facebook Comments