Libu-libong Halaga ng Tanim na Marijuana, Pinagsusunog

Cauayan City, Isabela- Aabot sa mahigit P200,000 ang kabuuang halaga ng sinirang plantasyon ng marijuana sa bulubunduking bahagi ng Barangay Lacnog, Tabuk City, Kalinga.

Sabay-sabay na sinunog ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit/Drug Enforcement Unit (PIU/DEU), Tabuk CPS, Regional Intelligence Division (RID) PROCOR, Regional Intelligence Unit (RIU-14), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga ang nasabing taniman ng marijuana.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad,bago pa man matukoy ang nasabing plantasyon ay nakatanggap sila ng impormasyon na may armadong grupo ang namamalagi sa lugar.


Tinatayang nasa 300 sukat ang lupain habang mahigit sa 1,000 ang nakatanim sa lugar na agad na sinira ng mga awtoridad.

Matatandaang mahigpit na ipinag-uutos ni Pangulong Duterte na linisin ang lahat ng barangay sa presensya ng iligal na droga.

Facebook Comments