Libu-libong indibidwal sa bansa na apektado ng Bagyong Odette ang nabigyan ng tulong ng Philippine Red Cross

Nasa 1,217 pamilya ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng MPC grants habang 114,463 indibidwal naman ang nabigyan ng hot meals.

Umabot din sa 8 million, 286 thousand, 400 liters ng tubig ang kabuuang naipamahagi sa mga naapektuhan ng bagyo.

Ayon kay PRC Chairman Senator Richard Gordon, isang linggo bago pa man tumama ang bagyo ay nakahanda na ang Red Cross para sa evacuations at naipadala din nila agad ang mga kinakailangang tulong isang araw matapos ang pananalasa ng bagyo.


Bukod sa pagkain at inuming tubig, nagtayo rin ang Philippine Red Cross (PRC) ng temporary shelters, hygiene facilities at mayroon pang psychosocial support services.

Facebook Comments