MANILA – Libu-libong katao ang nakiisa sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na isinagawa ng kaninang umaga.Eksakto kaninang alas-9:00 ng umaga, naging sentro ng drill ang Clark Airbase sa pampanga na dinaluhan mga opisyal ng pamahalaan kabilang sina Phivolcs Director Renato Solidum, NDRRMC Usec. Alexander Pama at Defense Sec. Voltaire Gazmin.Sabay-sabay na nagsagawa ng duck, cover and hold ang mga lumahok sa Earthquake Drill sa Clark kabilang din ang mga nasa ibang lugar sa bansa gaya ng Marikina City at sa mismong tanggapan ng Phivolcs sa Quezon City.Sa Clark kung nasaan ang command post, may mga monitor din ng kaganapan ng isinasagawang drill sa ibang mga lugar.Ang scenario ay tumama kunyari ang isang 7.2 magnitude na lindol bunsod ng paggalaw ng West Valley Fault at may lalim lamang na 5 kilometers ang lindol.Kunyari ay naramdaman ang hanggang intensity 8 sa lindol at halos hindi na makakatayo ang mga tao habang nararamdaman ang pagyanig.Matapos ang ilang segundong pagyanig, may mga kunyaring nasugatan, nadaganan ng debris na agad nirespondehan ng rescuers.Ang iba pang lugar na pinagdausan ng drill ay sa Bangui, Ilocos Norte sa Region 1; Petron Station sa Aparri, Cagayan; Sta. Rosa Laguna sa Region 4A; Camp Catitipan, Davao City sa Region 11.Samantala, sa Marikina City, maging ang mga preso ay nakiisa sa drill.
Libu-Libong Katao, Nakiisa Sa Nationwide Earthquake Drill
Facebook Comments