LIBU-LIBONG MAGSASAKA SA MAGUINDANAO, MAKATATANGGAP NA NG MGA TULONG PANSAKA!

Mag-uumpisa na sa buwan ng Marso ang pamamahagi ng mga tulong pansaka sa libu-libong magsasaka sa anim na bayan sa Maguindanao.
Ang aktibidad ay bahagi pa rin ng pagsasakatuparan ng proyektong Emergency Assistance in Restoring Food Security and Agricultural Production in Conflict-Affected Communities in ARMM na tugon ng UN-FAO sa request ni DAF-ARMM Regional Secretary Alexander G. Alonto, Jr.
Ito ay naglalayong matulungang bumangon ang mga magsasakang lubhang naapektuhan ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at grupo ng mga rebelde noong taong 2016.
Ang pondo ng proyekto ay nanggaling sa gobyerno ng New Zealand at Belgium at sa Special Fund for Emergency and Rehabilitation o SFERA.
Uumpisahan ang aktuwal na pamamahagi ng agricultural inputs tulad ng binhi ng palay, mais, mga buto ng iba’t-ibang gulay, abonong urea, at pala sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan sa unang araw ng Marso ng taung kasalukuyan.

Facebook Comments