Libu-libong OFWs at kanilang dependents, dumadalo ngayon sa 9th OFW and Family Summit

Mahigit 4,000 OFWs at kanilang pamilya, dumadalo ngayon sa 9th OFW and Family Summit na dinadaluhan ng mahigit 4,000 mga OFWs at kanilang pamilya dito sa World Trade Center sa Pasay city.

Taunan itong inooriganisa ng Villar Family sa pamamagitan ng foundation nitong Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance o Villar SIPAG at ang tema ng summit sa taong  ito ay  “Kabuhayan sa Sariling Bayan.”

Ang summit ay nagsisilbing one-stop shop para sa OFWs kung saan naglagay ang government at non-government organizations pati na rin ang business owners at franchise holders ng mga booths.


May booth din dito ang DZXL RADYO TRABAHO at tauo ay kasama sa nagbibigay gabay sa mga ofws at kanilang pamilya para makahanap sila ng trabaho dito sa pilipinas at hindi na nila kailangan pang malayo sa kanilang pamilya para magtrabaho sa ibayong dagat.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, handog ng summit ang livelihood o business opportunities dito sa Pilipinas na maaari nilang paglagyan ng kinita nila abroad para magkaroon ng sariling kabuhayan.

May mga inanyayahan ding resource persons para talakayin ang mga paksang financial literacy, business start ups, at mga tips mula sa OFW na naging matagumpay na entrepreneurs.

At ang masaya pa ay ang parrafle para sa mga nandirito ng House and Lot mula sa Camella, mga motorsiklo, Appliance Showcase at pangkabuhayan showcase, cellphone, camera at travel bags.

Bukos kay Senator Villar ay andito din sinLas Piñas Rep. Camille Villar, Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Pasay Mayor Imelda Calixto-Rubiano, at Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.

Facebook Comments