Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan at Hong Kong ang makikinabang sa wage orders.
Ang dagdag-sahod sa Pinoy workers sa Taiwan at Hong Kong ay epektibo ngayong huling bahagi ng 2023.
Ayon sa DMW, ilan ding mga kompanya sa Hong Kong at Taiwan ang sa Enero pa ng papasok ng taon magpapatupad ng wage hike.
Ikinalugod naman ni DMW Officer-in-Charge (OIC) Hans Leo Cacdac ang pagkilala ng Taiwan Ministry of Labor at Hong Kong Special Administrative Region Labor Department sa kontribusyon ng OFWs sa kani-kanilang mga ekonomiya.
Facebook Comments