Libu-libong OFWs na hindi pa nakakabalik sa Libya, umapela sa pamahalaan

Umaapela sa pamahalaan ang libu-libong mga Overseas Filipino Workers (OFW) na pabalikin na sila sa Libya.

Sa ngayon kasi ay nananatili ang deployment ban ng Pilipinas sa Libya dahil sa kaguluhan sa ilang lugar doon.

Ayon sa OFWs na sina Arnel Mendoza at Arnel Macaspac, panahon na para pabalikin sila sa Libya dahil wala silang maayos na trabaho sa Pilipinas.


Anila, mismong ang kanilang mga kapwa-OFWs sa Libya ang nagsasabi na maayos ang kanilang kalagayan sa pinagtatrabahuhang oil company doon.

Mismong ang mga tauhan na rin anila ng Philippine Embassy ang makakapagpatunay nito base sa pag-iikot ng embassy officials sa iba’t ibang kompanya sa Libya kung saan maraming empleyadong Pinoy.

Karamihan sa mga Pilipino sa Libya ay nagtatrabaho sa medical, oil at gas sectors doon.

Facebook Comments