Iginiit ng Association of Service Providers and POGOs (ASPAP) sa ginanap na pagdinig sa Senado na libu-libong mga pamilya ang nakikinabang sa mga legal o lehitimong POGO o Philippine Offshore Gaming Operators.
Ayon kay ASPAP Spokesperson Atty. Michael Danganan, malaking bahagi ng sahod ng mga Pinoy POGO workers ang naiuuwi nila sa kanilang mga pamilya.
Sa 23,000 Filipino workers na direct at indirectly hired ng mga POGOs, maliban sa sahod ay may iba pang benepisyo na nakukuha ang mga ito.
Kabilang sa mga dagdag na benepisyo ay libreng accommodation, pagkain at transportasyon.
Paliwanag ni Danganan, dahil sagot ng mga POGO ang halos lahat ng expenses sa trabaho ng mga manggagawa nito kaya malaking tulong ito sa pamilya ng mga Filipino POGO workers.
Ipinunto pa ni Danganan sa mga senador na malaking tulong ang POGO industry sa pag-generate ng trabaho para sa mga kababayan.