Libu-libong pasahero na apektado ng flight cancellation ng Cebupac, bibigyan ng libreng roundtrip tickets

Bibigyan ng Cebu Pacific ng free roundtrip tickets ang lahat ng pasaherong naabala at maaabala pa ng kanselasyon ng kanilang mga biyahe hanggang May 10.

Ayon kay Cebu Pacific Spokesperson Charo Logarta Lagamon, ang libreng round trip ticket ay pwedeng gamitin ng mga apektadong pasahero saan mang domestic destinations.

Sa pagtaya ng Cebu Pacific, aabot sa 10,000 pasahero ang naapektuhan ng kanselasyon ng mga biyahe na nangyari mula April 28 hanggang April 30.


Madadagdagan pa ito dahil sa ipatutupad na kanselasyon hanggang May 10.

Pwedeng ipa-book sa loob ng anim na buwan ang naturang free roundtrip tickets at pwedeng i-redeem online.

Aminado si Lagamon na hindi sapat ang sorry kaya ang pagbibigay ng libreng roundtrip ticket ang isa sa mga nakikita nilang paraan para ipakitang sinsero ang Cebu Pacific.

Facebook Comments