Kahit ilang oras na lang bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, libu-libong mga pasahero pa rin ang patuloy na humahabol pauwi ng mga probinsya.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), hanggang ngayong tanghali ay nasa 51,439 outbound passengers ang kanilang naitala habang may 44,961 din na inbound passengers sa lahat ng pantalan nationwide.
Nasa 418 na barko naman at 826 motorbancas ang sumailalim sa inspeksiyon.
Nananatiling naka-antabay ang mahigit dalawang libong frontline personnel ng PCG sa 16 nilang distrito.
Habang iiral ang heightened alert ng Coast Guard hanggang sa January 3, 2025 kung saan inaasahang babalik ang mga pasaherong sa probinsya nagdiwang ng holiday season.
Facebook Comments