Libu-libong Pinoy seafarers, makikinabang sa Magna Carta of Seafarers

Ikinalugod ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkakapasa ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ng Senate version ng Magna Carta of Seafarers.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, libu-libong Filipino seafarers na may malaking ambag sa global maritime industry ang mabibiyayaan nito.

Sa ilalim aniya kasi ng Magna Carta of Seafarers, matitiyak ang karapatan at proteksyon sa trabaho ng seafarers.


Magkakaroon din ang seafarer’s ng access sa mental health services, medical care at maibibigay sa kanila ang tamang pasahod.

Bukod pa rito ang pagtiyak sa pagkakaroon ng day off o oras ng pagpapahinga sa barko.

Facebook Comments