Libu-libong pulis ang lumusob sa Kingdom of Jesus Christ o KOJC compound sa Davao City pasado alas tres kaninang madaling araw.
ito ay upang isilbi ang inilabas na “alias arrest warrant” ng pasig regional trial court laban kay Pastor Apollo Quiboloy at mga kapwa akusado nito.
Si Quiboloy ay nahaharap sa kasong child abuse, sexual abuse at human trafficking.
Ipinabasa mismo ni Davao Regional Director Police Brig. Gen. Nicolas Torre III sa legal counsel ng KOJC na si Atty. Israelito Torreon ang kopya ng warrant of arrest.
Sa panayam ng media, sinabi ni Torre na dalawang libong pulis ang sabay-sabay na papasok at maghahalughog sa loob ng 30 ektaryang KOJC compound.
Hinimok ni Torre ang legal counsel ng KOJC na sa korte na lang magreklamo kung sa tingin nila ay iligal ang kanilang operasyon.
Bago ito, nagbabala si KOJC Executive Secretary Eleanor Cardona na magmamartsa ang walong milyong kingdom citizens papuntang malacañang kapag itinuloy ng pulisya ang pagsugod sa kanilang compound.