Libu-libong mga residente na ang sapilitang inilikas kasunod ng matinding pagbaha sa ilang bahagi ng Australia dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Ayon kay State Premier Gladys Berejiklian, simula kahapon, 18,000 indibidwal na ang kanilang inilikas at karadagang 15,000 katao pa ang kailangang ilikas.
Nabatid din na umabot sa 10,000 tawag ang natanggap ng emergency service mula sa kanilang mga residente para humingi ng tulong matapos lumubog sa baha ang kanilang mga tahanan.
Wala namang naitalang nasawi o sugatan pero nagbabala ang ilang eksperto na posibleng pag-ulit ng trahedya dahil sa pinaniniwalaang resulta ng climate change.
Facebook Comments