Mahigit 28,000 residente ng Sultan Kudarat ang nabigyan ng kabuuang 500,000 kilo ng bigas bukod pa sa cash assistance at food packs sa ilalim ng Cash and Rice Distribution (CARD) Program.
Ang bawat benepisyaryo ay binigyan ng ₱1,000 cash at 25-kilong bigas na nagkakahalaga ng ₱1,000 o kabuuang ₱2,000.
Ang CARD ay isang joint project ng House of Representatives na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na binuo bilang tugon sa hangarin ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na mabigyan ng rice assistance ang mga mahihirap na Pilipino.
Ang paglulungsad ng CARD Program sa Sultan Kudarat ay sinabayan ng paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair o BPSF.
sa bahagi ng BPSF, ay nasa 10,000 kuwalipikadong indibidwal naman ang binigyan ng tig-10 kilong bigas o kabuuang 100,000 kilo at tig-P700 halaga food pack.
sa nabanggit na event ay umabot naman sa ₱200-M ang ipinamahagi sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations ng DSWD at TUPAD program ng department of labor and empolyment.