Pumutok ang Bulkang Semeru sa probinsya ng East Java sa Indonesia kung saan nagpakawala ito ng abo at usok.
Ilang lugar malapit sa East Java ang nabalutan ng abo at usok dahil sa nangyaring pagputok.
Inihayag naman ng disaster agency ng lugar na wala namang napabalitang pinsala o namatay sa insidente.
Libu-libong residente ang lumikas sa mga karatig-lugar kung saan pansamantalang naninirahan sa mga evacuation tents na itinayo ng lokal na pamahalaan.
Patuloy naman ang isinasagawang assessment ng Disaster Management ng East Java tungkol sa sitwasyon ng mga apektadong indibidwal doon.
Isa lamang ang Bulkang Semeru sa aabot na 130 aktibong bulkang na matatagpuan sa bansang Indonesia.
Facebook Comments