Aabot sa 4,500 na sako ng basura ang nakuha ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ikinasang cleanup drive sa Manila Baywalk Dolomite Beach sa Maynila.
Ang aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng International Coastal Cleanup Day noong September.
Ayon kay DENR-Metropolitan Environmental Office (MEO) West OIC Director Rodelina de Villa, nasa mahigit na 4,000 volunteers ang nakibahagi sa cleanup activity.
Kabilang sa mga nakolektang basura ang ay plastic wastes, dried water hyacinth, at marine debris.
Ayon kay De Villa, nasasalamin sa Manila Baywalk ang pagtutulungan ng lahat ng sektor upang matugunan ang coastal litter sa pamamagitan ng mga isinasagawang beach cleanup activities.
Mula sa Hulyo 12 hanggang Setyembre 14, aabot sa 147,939 sako ng basura ang nakolekta sa mga isinagawang cleanup activities.
Sa loob na naturang panahon, umabot sa 83,109 sako ng water hyacinth ang nakolekta kabilang na rito ang 2,224 sako ng marine debris.