Manila, Philippines – Kinumpirma ng Dept. of Foreign Affairs ang pagdating sa bansa ng libu-libong stranded ofws mula Saudi Arabiasa mga susunod na linggo. Ito ay matapos na pumayag ang Saudi Govt. na alisin naang penalties sa lahat ng undocumented migrant workers doon.
Bunga nito, napabilis ang pagproseso ng mga dokumento sa repatriation ng stranded OFWs.
Pinapayuhan naman ng DFA ang lahat ng undocumented OFWssa Saudi Arabia na mag-avail na ng amnestiya.
Ang kailangan lamang anilang gawin ay agad namakipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa Riyadh.
Una nang nagpadala ang DFA ng Rapid Response Team sa Saudi Arabia para tumulong sa pagproseso ng repatriation ng stranded OFWs.
Facebook Comments