Libu-libong trabaho ang inaalok ng Israel sa mga Pinoy ngayong taon.
Ito’y matapos mabakante ang mga posisyon sa iba’t ibang trabaho pagkatapos ng pag-atake ng Hamas sa Jewish state.
Ayon kay Ambassador Ilan Fluss, sinisiguro nila na mabigyan ang mga Pilipinong handang magtrabaho sa Israel nang maayos na sweldo at tutulungan sa mga proseso.
Aniya, mayroong mga available na trabaho gaya ng konstruksiyon maging sa agrikultura at service hotel.
Kung matatandaan noong Hunyo 2023, nangako si Fluss na tugunan ang naturang pangaingailangan at sinabi na ang gobyerno ng Israel ay gumagawa ng hakbang upang ayusin ang mga isyu.
Sa ngayon, ay nasa 30,000 na Filipino caregivers sa Israel o 40% ng kabuuang bilang ng mga caregiver sa naturang bansa.
Facebook Comments