Libu-lubong COVID test kits na donasyon ng China, na-turn over na sa DFA

Nai-turn over na ng Chinese Embassy sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang karagdagang medical supplies na donasyon ng Chinese government sa Pilipinas.

Mismong si Chinese Ambassador Huang Xilian ang nag-turn over ng medical supplies kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. at Chief Implementer of the National Plan Against COVID-19 Secretary Carlito Galvez, Jr.

Partikular na ibibigay ang mga donasyon sa healthcare workers na humaharap sa COVID patients.


Ayon sa DFA, ang naturang medical supplies ay isinakay sa isang chartered flight mula China at ito ay kinabibingan ng 150,000 testing kits at 18,000 disposable overalls.

Dumating na rin sa NAIA kagabi ang karagdagang pang testing kits at PPEs mula China.

Facebook Comments