Pinalawig ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang license to operate ng mga manpower agency pati na rin ang accreditation ng mga foreign employer kung mapapaso na ito habang nasa pandemya ang bansa.
Kasunod ito ng pagsasara ng 70 mga manpower agency dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, maraming mga land-based overseas recruitment ang pansamantalang tumigil ng operasyon dahil sa mga protocol na pinatutupad ng ilang employer sa ibang bansa.
Habang hindi naman gaanong naapektuhan ang sea-based overseas recruitment kumpara sa mga land-based.
Facebook Comments