LICENSE TO OWN AND POSSESS FIREARMS, NAKATAKDANG ISAGAWA SA STA. MARIA, PANGASINAN

Magaganap ang License to Own and Possess Firearms o LTOPF at Firearms Registration Modified One-Stop Shop sa darating na August 4 at 5 sa Public Auditorium, Poblacion West, Sta. Maria Pangasinan.

Ilan sa mga aktibidad na hatid nito ay ang LTOPF Online Registration Assistance, Application Form, Affidavit of Undertaking, Neuro-Psychiatric Test, Drug Test, Certificate of Gun Safety, at iba pa.

Sa abiso ng Regional Community Service Unit 1 – Civil Security Group, kailangan lamang dalhin ang mga kinakailangang dokumento ng mga interesadong makilahok.

Sakaling may katanungan, nakalagay sa opisyal na facebook page ng tanggapan ang kanilang hotline number na 0998 564 3602 o maaaring magpadala ng email. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments