LICENSE-TO-SELL AT ILANG PERMIT PARA MAKAPAGPATAYO NG GUSALI, BINIGYANG-DIIN SA SAN CARLOS CITY

Binigyang-diin ng San Carlos City Planning and Development Office ang kahalagahan ng pagsusumite ng kumpletong dokumento upang makakuha ng permits at clearance bago makapagpatayo anumang gusali sa lungsod.

Sa online post ng tanggapan, isang residential building na planong itayo sa Brgy. Mabalbalino ang hindi pinahintulutan ng tanggapan dahil sa kakulangan ng dokumento.

Ayon dito, kinakailangang magsumite ng Development Permit at License-To-Sell ang aplikante partikular sa mga lote na nabili ang ilang porsyento ngunit nakatala bilang parcel ng lupa alinsuno sa City Zoning Ordinance.

Ang naturang hakbang ay kinakailangan bago makapag-isyu ng locational clearance na kinakailangan upang makakuha ng electrical permit.

Nauna nang nagpaalala ang tanggapan sa maagap na pagtalima sa mga ibinababang regulasyon maging ang pag-iingat sa pagbili ng mga subdivided lot online dahil sa posibleng scam. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments