LICENSURE EXAM PARA SA MGA NAIS MAG-DOKTOR, ISASAGAWA NGAYONG OKTUBRE

Ang Professional Regulation Commission (PRC) – Regional Office I ay nag-anunsyo ng pagsasagawa ng apat na araw na Physicians Licensure Examination sa darating na Oktubre 21, 22, 28 at 29, 2022.
Ayon kay PRC Regional Director Arly Sacay-Sabelo, mayroong 55 examinees na kukuha ng kanilang pagsusulit sa Casanicolasan Elementary School sa bayan ng Rosales, Pangasinan.
Sa panahon ng eksaminasyon, inatasan ang mga examinees na dalhin ang kanilang Notice of Admission (NOA), mga lapis (no. 2), ball pen (itim na tinta lamang), isang pirasong mahabang brown na sobre, isang pirasong mahabang transparent (walang kulay) na plastik na sobre (para sa pag-iingat ng mga mahahalaga at iba pang mga pinahihintulutang bagay), ang nasagutang form ng may-alam na pahintulot at checklist ng deklarasyon ng kalusugan (annexes a at b na mada-download sa www.prc.gov.ph).

Sa nasabing pagsusulit ay pinapayuhan din na magdala ng kanilang sariling tanghalian at meryenda ang mga mag-eeksam, dahil hindi sila papayagang lumabas ng silid ng pagsusulit tuwing break at tanghalian.
Mahigpit na pinapayuhan ang mga examinees na basahin ang advisory sa kanilang NOA, bisitahin at tingnan ang kanilang room assignment sa opisyal na website ng prc: www.prc.gov.ph tatlo o limang araw bago ang nakatakdang pagsusulit at i-download ang programa ng examination. |ifmnews
Facebook Comments