LICENSURE EXAMINATION PARA SA MGA ASPIRING ARCHITECTS SA REGION 1, ISASAGAWA

Nakatakdang sumailalim ang nasa limampu’t-tatlong mga aspiring Architects sa Ilocos Region sa magaganap na Licensure Examination sa darating na January 21 at 23, 2025.
Isasagawa ang eksaminasyon sa PRC Regional Testing Office I Testing Rooms sa Brgy. Carmay East, Rosales, Pangasinan.
Nagpaalala ang PRC Region 1 na dalhin ng mga kuha ng pagsusulit ang kanilang Notice of Admission, No. 2 pencil, black ballpen, long brown envelope, at long transparent plastic envelope, at calculator na may mga pangunahing features lamang.

Dagdag ng ahensya, idownload na ang Examination Program tatlo o limang araw bago ang eksaminasyon upang maiwasan ang anumang aberya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments