Licensure exams, napapanahon nang repasuhin

Suportado ni House Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza, ang pagsusulong ni Health Sec. Teodoro Herbosa na bigyan ng temporary license ang nursing graduates na may markang 70 hanggang 74% sa board exams, para makapag-trabaho sa mga ospital ng gobyerno.

Bunsod nito ay iginiit ni Daza na repasuhin ang licensure examinations sa ating bansa upang hindi ito maging hadlang sa pagpasok sa trabaho ng ating mga kababayan.

Paliwanag ni Daza, malaki ngayon ang kakulangan sa medical professionals sa Pilipinas tulad ng mga nurse dahil marami sa nursing graduates ay bumabagsak sa licensure exam ng Professional Regulation Commission (PRC).


Una rito ay inihayag ni Daza na mula 2017 hanggang 2022, ang passing rate sa licensure exams ng 36 professions ay aabot lamang sa 52.58% o kalahati ng bilang ng mga kumuha ng pagsusulit.

kaya naman mungkahi ni Daza sa PRC, i-relax ang ilang patakaran, pero magpatupad pa rin ng “long-term solutions” at hindi “stop-gap measures” lamang.

Kabilang sa mga suhestyon ni Daza ang implementasyon ng modular approach, kung saan ang mga bumagsak sa licensure exam ay hindi na uulit sa mga subjects na kanilang naipasa.

Facebook Comments