MANILA – Inilagay na ng Department of Justice (DOJ) sa lookout bulletin ang 20 consultants ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).Ibinigay ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang nasabing memorandum order kina Immigration Chief Jaime Morente at Prosecutor General Victor Sepulveda matapos kanselahin ng pamahalaan ang joint Agreement on Security and Immunity Guarantee (JASIG).Kabilang sa mga inilagay sa lookout bulletin sinaTirso Lagoras AlcantaraMa. Concepcion Araneta BocalaPedro Heyrona CodasteRenante Macatangay GamaraAlan Valera JazminesErnesto Epino LorenzoMa. Loida Tuzo MagpatocAlfredo Amparo MapanoRuben Abenir SalutaAdelberto Albayulde SilvaBenito Enriquez TiamzonWilma Austria TiamzonAriel Mancao ArbitrarioRenato Maranga Baleros Sr.Kennedy Lao-Ing BangibangJaime Servillano Doria SoledadRafael BaylosisAlex BirondoWinona BirondoPorferio Dianco TunaBukod rito, inatasan rin ni Aguirre sina Morente at Sepulveda na makipag-ugnayan kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran para sa mga impormasyon tungkol sa nasa lookout bulletin.Kabilang sa mga impormasyong ito ay ang mga kilalang aliases ng mga naturang consultants, petsa at lugar ng kapanganakan, kopya ng kanilang passport at ang kanilang pinakahuling litrato.Inatasan rin niya ang NBI at office of the Prosecutor na magbigay ng contact numbers na maaring matawagan kahit tapos na ang office hours sakaling isa sa mga consultants ng ndfp ay magtangkang umalis ng bansa.Maari pa namang makalabas ng bansa ang isang taong nasa lookout bulletin ngunit kakailanganin muna niya ng clearance mula sa DOJ.
Lider At Consultants Ng National Democratic Front, Nasa Look-Out Bulletin Na Ng Department Of Justice
Facebook Comments