Lider ng CPP-NPA arestado ng PNP-CIDG sa San Juan City

Arestado ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang isang mataas lider ng New People’s Army (NPA) sa San Juan City.

Kinilala itong si Jaime Padilla, tagapagsalita ng NPA Southern Tagalog at miyembro ng National Information Bureau ng CPP Central Committee.

Si Padilla ay may standing warrant of arrest para sa kasong multiple murder.


Ayon kay San Juan City Police Chief Colonel Jaime Santos – nagpapagamot sa Cardinal Santos Medical Center si Padilla nang ito ay madakip kagabi.

Bukod kay Padilla, kasama ring nahuli ang tatlo nitong aide.

Wala namang nakuhang armas sa mga naarestong miyembro ng CPP-NPA.

Dinala na sila sa kustodiya ng CIDG-NCR sa Kampo Krame.

Facebook Comments