Lider ng Criminal Group sa Lalawigan ng Quirino, Naaresto, Mga Baril at Bala Nasamsam!

1160

Diffun, Quirino – Sa kulungan ang bagsak ng isang lider ng criminal group sa lalawigan ng Quirino matapos maaresto at masamsaman ng matataas na kalibre ng baril sa kanyang mismong tahanan sa Barangay Rizal, Diffun, Quirino.

Unang naaresto ang lider ng Puguon Criminal Group na si Jimmy Puguon nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.


Namataan ang nasabing lider na mayroong kahina-hinalang ginagawa sa Barangay Tucod, Cabarroguis, Quirino kung kaya’t agad na ikinasa ng pulisya ang pag-aresto sa suspek at ito ay nagpositibo na agad ikinulong sa himpilan ng pulisya.

Kasunod nito, isinagawa ang follow up operation na search warrant sa bahay ng suspek sa Barangay Rizal kung saan nasamsam ang isang Cal 38 Armscor revolver, tatlong bala ng Cal 38, isang magazine ng M16, dalawang bala ng M14, limang bala ng Cal 45, isang sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at isang bote ng hinihinalang buto ng marijuana.

Posibleng hindi na umano makalabas sa kulungan ang naarestong lider ng criminal group dahil sa patung patong na kinakaharap nitong kaso.

Maliban sa mga illegal na pag iingat ng baril, siya rin umano ang may utak sa tangkang pagpatay at pag-ambush sa municipal treasurer ng Nagtipunan, Quirino.

Facebook Comments