Lider ng gun for hire patay, dalawa nitong kasamahan arestado matapos manlaban

Manila, Philippines – Patay ang isang lider ng gun for hire habang arestado ang dalawang kasamahang nito matapos na manlaban sa mga awtoridad ng isilbi kanilang warrant of arrest sa Brgy. San Vicente, Tarlac City.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:30 ng hapon kahapon ng isilbi ng mga tauhan ng Tarlac City police Station at Samar Police Provincial office ang warrant of arrest laban sa Oquendo gang na pinamumunuan ni Genesis Oquendo alyas Etin Oquendo.

Pero nanlaban ang mga ito at nagkaroon ng ilang minutong sagupaan.


Dahil dito nasawi si Genesin Oquendo habang naaresto ang dalawa nitong kasamahan na sina Henry Palmones 48 anyos residente ng San Francisco, Guinubatan, Albay at Victor Vasquez 40 anyos residente ng Banao, Guinobatan , Albay.

Si Genesis Oquendo ay number 1 most wanted person sa Samar na may patong sa ulo na 50 thousand pesos.

Nakuha sa mga suspek ang 3. piraso ng kalibre 45 baril habang walang naitalang sugatan sa panig ng operating team.

Sa ngayon nagpapatuloy ang pagtugis ng pulisya laban sa iba pang kasamahan ng grupo.

Facebook Comments