Lider ng Kamara, may babala sa mga nakadetain na "locos six"

Manila, Philippines – Patuloy pa rin na makukulong sa loob ng Batasan Complex ang Ilocos six kung tatanggi pa rin ang mga ito na magsabi ng katotohanan sa Tobacco funds ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte na ginamit na pang cash advance at pambili ng mga motor vehicles.

Ito ang banta ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas sa kabila ng kahandaan ng House Committee on Good Government and Public Accountability na palalayain ang Ilocos six.

Ayon kay Fariñas, patuloy pa rin nilang i-de-detain ang anim kung tatanggi ang mga itong sumagot o gagawa ng mga dahilan para mailihis o maitago ang impormasyon sa sinasabing iregularidad.


Magsasagawa naman ang komite ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ng emergency hearing sa Martes para bigyang pagkakataon ang Ilocos 6 na makasagot at magkaroon ng pagkakataong makalaya na.

Mula nitong May 29 ay ikinulong sa loob ng Batasan Complex sina Ilocos Norte treasurer Josephine Calajate, accountant Edna Batulayan, budget officer Evangeline Tabulog, bids and awards committee head Pedro Agcaoili at mga empleyado ng treasurer’s office na sina Genedine Jambaro at Encarnacion Gaor dahil sa pagbili ng mahigit 60 milyon na sasakyan gamit ang pondo na para sana sa mga tobacco farmers.

Facebook Comments