Nasawi ang isang mataas na lider ng komunistang grupo matapos maka engkwentro ng tropa ng pamahalaan sa Barangay Malagalad, Dumingag, Zamboanga del Sur, kahapon.
Kinilala ang nasawing terorista na si Aprecia Alvarez Rosette alyas Bam-Bam, secretary ng Western Mindanao Regional Party Committee.
Si Rosette ay nabatid na may higit 30 warrants of arrest dahil sa kasong extortion, murder, arson at distruction of construction equipment.
Ayon sa inisyal na report, nagsasagawa noon ng combat operations ang mga tropa ng 102nd Infantry Brigade ng 1st Infantry Division ng Philippine Army nang makasagupa nila ang apat na armadong miyembro ng teroristang grupo.
Tumagal ang sagupaan ng 10 minuto bago tumakas ang mga kalaban at inabandona ang kanilang nasawing kasamahan.
Narekober sa encounter site ang matataas na kalibre ng baril at mga personal na kagamitan ni Rosette.