Kukunin na rin ang mga lider ng mga Transport Operators and Drivers Association (TODA) sa bansa upang maging katuwang ng Philippine National Police sa pagpapatupad ng minimum health protocols.
Sa interview ng RMN Manila kay Joint Task Force Covid Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang hakbang ay bahagi ng second phase ng national action plan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Ayon kay Eleazar, magiging tungkulin ng mga lider ng TODA na siguraduhing maipatutupad ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at social distancing sa lahat ng oras sa kanilang mga miyembro.
Una na kasing naireport na ilang miyembro ng TODA ang pasaway na hindi sumusunod sa mga health protocols.
Sa ngayon ay nasa 320,102 quarantine violators ang nahuli ng mga otoridad simula ng ipatupad ang lockldown noong buwan ng Marso.